STARBUCKS Glendale ako ngayon.
LABOR DAY (stateside)
Nakakainip…
naghihintay ng ala-syete
(or hinihintay ang tawag ni Tita Letty)
Talagang nami-miss
ko na ang Pinas!!!
Pamilya…
mga kaibigan…
mga gimik…
LAHAT!!!
Me mga Armenians…
(nasa likod ko sila..
mukang magbabarkada)
Nagkukuwentuhan…
Hindi ko maintindihan
Ang pinagsasabi nila!!!
Me biglang iyak ng sanggol
ako naririnig na dala-dala ng tatay.
Nakakatawa… nakaka-amaze…
Kahit ano’ng lahi ng sanggol,
Basta umiyak… pare-pareho…
Walang ‘slang’ or ‘british’ accent.
(Kahit saan talaga nakikita mo sila)
Di na sila bago sa akin.
Kasi marami ding ganyan sa Pinas!
Hayan! Umalis na rin
ang mga teenagers na Armenians.
Medyo Tahimik na…
ang humaharurot!
Nag-lips to lips ba naman.
Natawa pa sila.
Kasi nakita sila ng friend nilang girl.
Oh well… lumayas na rin sila.
na kakapaasok lang.
Yung nanay e naka-tie die
Na shirt and
The son is quite fashionable,
Naka-sleeveless shirt na black
and torn denim jeans… karakter!
at pagkatapos e umupo
(waiting now for their orders)
At last! Tinawag na rin sila.
Green Tea Frapuccino
ang order nila…“To go”…
kaya “go” na rin sila.
(or madalas),
Napapaisip ako
kung ano’ng klaseng buhay
meron sila…
Kasi pag nakikita ko sila,
They seem ok.
pag-uwi ng bahay?
Malungkot? Masaya? Magulo?
Sila rin kaya e
iniisip nila ang naiisip ko?
Observant din kaya sila
katulad ko?
yung pagpunta or pagpasyal sa mall
ay “scapegoat” din?
Na gustong makalimutang
malungkot din sila? O kaya’y maglibang?
(magastos na paglibang na ‘to ha!)
Or wala lang talaga?
Me mga bagong lahi
na naman pumasok dito…
Mukang Asians… Pinoys?
Di ko alam.
Kailangan ko muna silang marinig
para malaman…
A ewan! Bahala sila!
(sa me left corner ng kuwartong ito)
Wait lang ha… singit ko lang ‘to…
Pinoy nga yung mga dumating!
Ok, balik tayo dun sa me sulok…
Feeling busy rin (na parang ako).
Nagsusulat din siya.
Katulad din kaya
ng ginagawa ko?
Mukang serious
‘yung ginagawa niya…
Kasi sa long pad paper
siya sumusulat.
Starbucks Glendale…
United Colors of Benetton
ang mga tao.
(Kungsabagay ditto sa “Tate” mismo
makikita karamihan ang mga lahi
sa buong mundo).
Kasi pagod na rin akong
Magtingin-tingin at mag-usi sa mga tao.
Next time na lang ulit! Saan naman kaya?
Di ko alam! We’ll find out
sa pagsulat ko ulit dito.
(Ang tagal naman ng alas-syete)
- ended at
No comments:
Post a Comment