Hay naku!
Ang mga tao nga naman…
Kung minsan, magbigay ka lang ng rason
Arrogante ka na.
O kaya naman,
i-tama mo ang
arogante ka na.
Minsan naman,
Maging intelektwal lang ang hirit mo
Arogante ka na
Eh Sino at ano ba ang arogante sa 'yo?
Sa tingin ko
Ang mga taong nagsasabi na arogante ka
eh yung mga di makatanggap ng rason.
'Yung mga ayaw ma-korek ng iba
(pride siyempre)
At 'yung mga nagsasabi na,
"Ang defensive mo naman" o
"Ang reklamo mo!".
At siyepre, "Hay naku, feeling know-it-all!".
Pero di ba,
masasabihan ko lang arogante
kapag ang taong nagsasabi nun eh arogante din?
Or 'yung tipong ayaw magpa-korek o magpatalo...
'Yung gusto laging bida.
Or kung boss ka,
Lalong ayaw mong humihirit ang under sa 'yo
Insubordination 'yun!
Kasi nga naman,
ang feeling mo eh nawawala na ang respeto sa 'yo.
O baka lang na di mo matanggap
(O takot ka lang)
na mas magaling ang subordinate mo sa 'yo?
Nakakatawa talaga ang mga tao.
Sabihin lang ng iba
o marinig lang sa iba
na arogante ka eh ganun ka kagad sa paningin nila.
Tipo bang wala ka ng chance
i-prove ang sarili mo sa kanila.
Ika nga eh "jaded" na sila.
Mas alam pa nga nila kesa sa 'yo
Ang tunay na ugali mo
Parang mas marami pa silang alam
tungkol sa 'yo
kesa ikaw ang may alam sa sarili mo.
Siguro talaga judegemental ang mga tao.
Nakakainis ano?
O well, ganyan talagang ang buhay.
Kaya ako, I'll do whatever I want
I'll say what I want (pero siyempre careful pa rin)
Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba
Kasi di naman ako pinanganak
para mag-adjust sa mga taong nasa paligid ko.
Basta importante happy ako...
So arogante nga ba???
Wednesday, February 08, 2006
Arogante nga ba???
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment